Bagong eskwelahan.. Bagong kapligiran.. Bagong mga kaklase.. Bagong guro..
Etcetera.. Etcetera.. Etcetera!
‘Yan ang mga iniisip ko bago mag June 15 Ang unang araw ko sa kolehiyo at bilang isang Tourism student… haixzt.. HaHaHa!
Pero syempre medyo kabado.. kasi.. kasi.. wala lang. ‘Di ko naman kasi kilala yung mga kaklase ko tsaka medyo nahihiya.. [AKO?! ] ahahahaha! Pero kailangan talaga medyo kapalan ko muka ko kasi wala akong magiging kakilala & kadaldalan sa 1st day ng klase. Ahahahahaha!
Nagulat pa nga ako kasi.. may mga 3rd year student doon sa labas ng room namin na naka-padlock pa.. medyo maaga kasi ako pumasok.. [excited?!] tapos sabi nila.. doon din daw sila sa room na ‘yon.. Tapos habang nag hihintay kung ano ba talaga.. nag simula na akong mag hanap ng 1st year student din.. ‘di naman sa malayo.. actually sa tabi ko lang.. bandang kaliwa.. ahahah… Tinanong ko lang siya kung tourism din ba siya na 1st year tapos pagkatapos ko siyang tanungin kung 1st year din siya.. tingin naman ako sa kanan ko at tinanong ko na kung 1st year din yung babaeng katabi ko.. tapos tinanong niya name ko.. tapos ako din tinanong ko din kung what name niya… kaso lang nakalimutan ko na.. Tapos binuksan na yung room namin.. lahat kami pumasok sa loob 1st year at 3rd year.. oha? buti na lang nag kasya kami pero sa huli.. lumabas din yung mga 3rd year kasi unti-unti na kaming dumadami… at wala silang choice kundi mag paraya sa mga bata.. ahahaha!
Tapos.. getting to know each other part.. daldalan kami to-da-max. Wala pa kasi yung prof namin.
Siguro mga 50 plus lang kami tapos 1 section lang kasi ang Tourism sa ‘min. Tapos pag dating ng hapon.. sinabi ng Prof. namin na i di-divide kami into 2 sections. 24 ata kami ngayon sa section namin at bonggang bongga ang sched. namin.
Monday- WALANG PASOK! Ahahahaha!
Tuesday- P.E. 2:00pm - 4:00pm :: Filipino 4:00pm-7:00pm
Wednesday- Psychology 4:30pm - 7:30pm
Thursday- Literature 7:00am - 10:00am
Friday- Biological Science 1:30pm - 4:30 pm
Saturday- NSTP 10:00am - 1:00pm :: Math 1:30pm - 4:30pm :: English 4:30pm - 7:30pm
Oha?! Oha?! Bonggang-bongga!! Halos isang subject lang per day… AHAHAHAHA!
Pero 3 oras ka namang nakaupo.. at nakikinig.. pero ok..! Kailangan kong masanay para naman makakuha ako ng magagandang grades.. at kailangan ‘di daw dapat bumaba ang grades ko sa 2.25 hmmmm.. OK! Kailangan talagang mag-aral ng mabuti para sa magandang future… uhmm!
Halos lahat kami excited na sa mga magiging tour namin.. at sabi ng professor namin.. sa Vigan daw ang 1st tour namin…!! Ahahaha! Gustong-gusto ko talaga pumunta doon kasi ang ganda ng mga views at yung mga lumang bahay nila. Excited na talaga ako,. pero ‘di naman tsempre puro gala lang ang dapat naming isipin.. tsempre pati pag-aaral..!
Hmmm… Kailangan ko pang mag prepare para sa mga sandamakmak na i re-research ko..
kaya.. hanggang dito na muna to.
Goodluck din sa mga fresh graduate dyan na ‘di pa masyadong nakakapag-adjust. Goodluck sa atin~!!
|